The Man Who Can't Be Moved

Martyr Nyebera

Hindi ko alam….

Mukhang nasasanay na yata ako gamitin ang mga katagang yan.. Naaalala ko pa dati ang sabi sakin ni sir ang pinakaayaw niya daw na sagot eh ung “hindi ko alam”.. Actually, habang tinatype ko to, ilang beses kong natype ang mga salitang yan, binubura ko lang ulit.. At ilang beses din sumagi sa isip ko ang mga salitang yan habang bumubuo ng mga ideya na itatype ko.. Weird.. Pero sa tingin ko dapat talaga na iwasan ko na talaga ang paggamit ng mga salitang yan kasi hindi nga maganda pakinggan… Parang ganito lang yan, i-relate natin sa pag-ibig…

Madalas na tinatannong ko sa sarili ko, ano na ba ang lagay namin?? Madalas ko namang sagot “hindi ko alam”.. simple diba… At kahit tanungin din ako ng kahit sino kung ano na ang plano ko, ganun din ang isasagot ko… Dahil yun naman talaga ang totoo…

Dahil napag-usapan na din naman ang tungkol sa pag-ibig, magkukwento na lang ako kesa naman yung si Rachel na lang ang laging kinakausap ko, mukha lang akong tanga.. Haha..

Naranasan mo na ba ang maging invisible? Yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa mga kaibigan ko nung linggo.. Kahit sa mga social networking sites na pinapasukan ko, yan din lagi ang status ko… Pero naranasan mo na nga ba ang maging invisible?? Ako kasi naranasan ko na, maraming beses na, pero nung linggo lang talaga sya bumaon sa utak ko..

Marami nang nangyari samin.. Sa dinami-rami ng nangyaring yun, ganito pa rin ang status namin.. M.U.??? Siguro… Parang kasing kami na ewan pag magkasama kami.. Super sweet namin, ginagawa namin yung mga bagay na ginagawa lang dapat ng mga tunay na mag-jowa, saka kahit sa text sweet din… Kaso, take note: “PAG MAGKASAMA KAMI”… Yun ay kapag kaming dalawa lang… Biglang kasing nag-iiba kapag may kasama na kaming iba… 

Nung linggo kasi sukatan dapat nila ng uniform sa simbahan, nandun din ako kasi may meeting din kami nun kay brother pogi.. Hindi natuloy yung sukatan nila for some reasons and then nagkayayaan na mag-lakad lakad muna.. Pumunta kmi sa may mga ukay-ukay kasama namin si Bob.. Dun pa lang ramdam ko na parang nasa malayo ako.. Sigurado ako ramdam yun ni Bob kasi antahimik ko nun.. Kaya nga siguro nagpaalam siya na uuwi na daw siya… Iniwan kami ni Bob, kami na lang dalawa ang magkasama.. Tinatanong niya ko kung saan daw kami pupunta.. As usual, alam mo na ang isasagot ko.. Pero may sinuggest ako kaso lang ayaw din namin dun pareho… Napilitan tuloy kaming pumuntang parokya kahit na nakapagsimba na kami nung umaga.. Pag dating namin sa parokya, naghahanap na kami ng mauupuan sa labas ng makita namin ang dalawa pang sakristan.. May itinanong lang sakin yung isa tapos paalis na sana ako nang biglang siyang lumapit at sinabi niya sa mga sakristan na itanong na daw sa kanya yung mga itatanong nila, sasagutin niya daw.. Naiintriga din kasi samin yung mga mokong lagi kasi kaming nakikitang magkasama.. Sa pagkukwentuhan nilang yun, for the second time, nawala na naman ako sa eksena… Nandun lang ako sa likod nila, nakasandal sa posteng bakal, nakikinig lang.. Hindi talaga ako nagsasalita kung wala naman silang tinatanong… Taz sa kalagitnaan ng kwentuhan nila, dumaan yung ex nia at kapatid nito (na parehas ding sakristan katulad ko).. Medyo napahinto sila sa kuwentuhan nila kasi nga nakita nila kung sino ang dumating.. Dun nagsimula magdatingan ang mga tanong tungkol sa nakaraan kasabay ng mga tuksuhan.. Nakikinig pa din ako nun.. Buti na lang dumating si Warz nun, tinabihan ako.. Maya maya nung nababadtrip na talaga ako, niyaya ko si Warz sa tindahan, umalis kami, di kami nagpaalam sa kanila.. Biglang umambon.. F na F ko talaga yung ambon na yun na later on naging ulan.. Nakikisama sakin ang langit.. Pagdating namin sa tindahan dun ko sinabi kay Warz kung naramdaman na ba niya maging invisible.. Nakuha naman niya agad ang ibig kong sabihin.. Bumili na lang kami ng kendi pampaalis ng badtrip.. Pagbalik namin sa simbahan sumilong na pala sila, ang pwesto nila mas malapit na dun sa ex niya pero nakita ko namang paalis na si X.. Di pa din ako nagsalita nun.. Hanggang sa nagpaalam yung dalawang sakristan, sumama ako sa kanila kasi kinausap namin sila X, C, at J dun sa may tapat, isinilong ang mga motor nila.. nakipagkwentuhan lang kami saglit.. Alam kong nakita kami ni X kanina na magkasama pero binati ko pa din siya na parang normal lang.. Dun ko napansin na di siya makatingin ng diretso sakin.. At alam ko na kung bakit.. Alam naman kasi niya.. Niyaya ko pa nga sila magdota sa Linggo ng palaspas eh which is yearly naman talaga naming ginagawa, nagoobernayt pa nga kami sa simbahan eh.. After ng sandaling kwentuhan, bumalik na ako sa loob ng parokya kasi may meeting kami.. Kahit dun sa meeting parang invisible pa din ako.. Kaya nga kay babes na lang ako tumabi nun.. After ng meeting pinaiwan kami, papagalitan kami kasi ang ingay namin nung meeting at saka magsstaff din kasi kami… Lumabas siya ang sabi niya sakin nandiyan daw ang kapatid niya, sabay daw sila uuwi, titingnan niya lang daw kung nasa labas na.. Pinagalitan na kami, mineeting ulit, nagtawanan, naguwian, pero di man lang siya bumalik para magpaalam na uuwi na siya.. Ilang strike na ba??? Lalong bumigat ang pakiramdam ko nun… Niyaya nila ako magdota, umoo naman ako kasi ilang beses na kong di nakakasama sa kanila.. Handa naman sana ulit akong hindi sumama nun kuung ihahatid ko siya pauwi eh kaso nga bigla na lang siyang nawala.. Lahat ng inis ko at badtrip ibinuhos ko sa paglalaro ng dota… Anlakas ko nga magtrashtalk nun eh which is di ko naman normal na ginagawa kasi tahimik lang ako pag naglalaro.. That time, nakalimot naman ako panandalian.. After namin maglaro, umuulan na naman.. Niyaya ko sila Dex at Warz na umuwi na kahit umuulan.. Ganun din kasi ang feeling ko kanina, ramdam na ramdam ko ang ulan.. Nabang naglalakad kami kinuwento ko din kay Dex kung anong nararamdaman ko pero tahimik lang sila pareho.. Di sila nakapagcomment..  Hanggang sa pagdating ko sa bahay ganun pa din ang feeling.. Nakakainis na di ko maintindihan.. Nakatulog ako yun pa din ang iniisip ko…

Kinabukasan… Pagkagising ko pa lang, yun na naman ang naisip ko.. Super mabigat talaga ang pakiramdam ko nung araw na yun.. Di nga ako halos ngumingiti sa opisina eh.. Then nung hapon na, tinext ko siya kung tuloy ba lakad namin… Kung tuloy kasi ang lakad namin, 5:30pm pa lang magaawt na ko sa work para makarating ako ng maaga.. Dumating si 5:30pm pero wala pang text.. Quarter to six nung magtext siya na tuloy daw kami.. Kahit na madaming pinapagawa sakin si sir, nagligpit na ako at umuwi.. Nagmamadali na nga ako nun eh.. Umaasa ako na sa pagkikita namin baka gumaan ulit ang pakiramdam ko… Nasa bus na ako nung magtext siya na hindi na daw kami tuloy kasi madami pa daw siyang gagawin.. Bigla akong nalungkot nun.. Nireplyan ko siya na ok lang next time na lang..  Tinanong niya ako kung bukas na lang daw ba, ang sabi ko may lakad kami ni Boss nun.. Bigla ding nagbago ang mood niya nung sinabi ko yun lalo pa nung sinabi kong magoobertym ako sa mga susunod na araw at lunes lang talaga ang plano ko na umuwi ng maaga.. Namisunderstand niya yung sinabi kong yun, akala niya uuwi talaga ako ng maaga kahit may lakad kami, ang sabi ko uuwi lang ako galing trabaho hindi sa bahay.. Ayun nagalit sakin.. In the end, ako pa din ang panay hingi ng sorry… Di ko namalayan, umiiyak na pala ako nun sa bus.. Pano kasi naghalo-halo ang dissapointment, lungkot, badtrip, inis at kung anu-ano pang emotion na di kinaya ng mga mata ko.. Gusto kong magwala that time pero ni wala nga ako kahit masusuntok man lang.. Sobrang sama ng loob ko.. Ginatungan pa yun nung nangyari kahapon na pagiging invisible ko.. Bumaba pa din ako sa Muzon kung san dapat kami magkikita,. Sa sobrang lungkot ko, tinext ko si Dex at Warz nun, pinapunta ko sila sabi ko samahan nila ako.. Buti na lang talaga meron akong mga tunay na kaibigan, maaasahan ko kahit biglaan.. Gusto ko sanang uminom nun kaso wala kaming pagiinuman kaya nilibre ko na lang sila.. bumili kami ng Mudshake Vodka saka nagdouble burger… Bumili na din ako ng new phone which is sasamahan niya dapat ako mamili ng phone.. Di ako nagkwento ng buo sa mga kasama ko nun.. Wala din kasi ako sa mood magkwento nun..  Pahapyaw lang.. Ganun pa rin, tahimik pa din sila.. Nagtetext din si best nun, sabi niya pagusapan daw namin siya, makikinig na daw siya pero ang sabi ko ayaw kong pag-usapan.. Tatawagan ko na lang siya sa sabado.. Nakauwi kami, nagtetext padin ako sa kanya puro sorry.. Sabi ko babawi na lang ako at ituloy na lang namin bukas.. Sabi niya di niya daw sure bukas.. Hanggang sa makatulog na naman ako na malungkot…

Kinabukasan, another sad morning na naman.. Mangilan-ngilang beses din siyang nagtext sakin.. Sabi pa nga niya disappointed lang daw siya kagabi.. Naisip ko tuloy siya pa ang disappointed.. Ganun ba talaga ang mga babae, lagi silang tama?? Nag sorry pa din ako nun.. Di kasi ako yung taong nagpapalaki pa ng isyu.. Ako na mismo ang gagawa ng first step para maayos yun..  Then later that afternoon, napagusapan naming ituloy na nga namin mamaya., Di nagreply sa text ko si Boss kaya di din kami natuloy.. Kagaya kagabi, nasa bus na ako nang magtext siya na baka di na naman kami matuloy kasi di siya makaalis sa bahay nila at nandun ang mama niya.. Nalungkot na naman ako..  Bumaba ulit ako sa Muzon at naupo sa tapat ng 7-11,.. Nagupdate pa nga ako sa fb nun ng status ko: waiting for nothing… Kasi sabi niaya di daw tuloy pero nandun pa din ako, naghihintay.. Maya-maya lang nakareceive ako ng message na itatry niya daw.. Sabi ko sige… Tapos maya-maya nandiyan na siya.. Late ko pala nareceive ang message niya.. Buti na lang pala di pa ako umuwi nun kasi nagpaplano na din akong umuwi.. Ayun, we have a dinner date sa Bistro.. Onting kwentuhan and we’re back to normal.. Pero deep inside me, di ako satisfied.. Biglang pumasok sa isip ko ang situation namin.. Hindi naman kami, wala akong karapatang magalit, wala akong karapatang magselos, at kung anu-ano pa… Naisip ko din yung mga pagtatagong ginagawa namin.. Itinatago namin ang situation namin sa ibang kaibigan namin, sa mama niya, at sa kung kni-kanino pa.. Kahit nga sa fb, bawal ko siyang tawaging baby.. Pag nagkikita nga kami lagi naming tinitingnan ang paligid kasi daw baka may makakita sa amin.. Ayun.. Nakakapagod din naman yung laging ganun.. To be honest, sumagi din sa isip ko na baka lust lang ang nararamdaman niya at hindi talaga love pero inalis ko din agad yun.. Buti na lang umiral ang pagiging positive thinker ko..  Inisip ko na lang na baka di pa talaga siya ready… At kung ready naman na siya, di na namin kelangan magtago.. i was hoping for that day… Kagaya nga ng sabi ni Rachel, ang dapat kong gawin ay maghintay hanggang kaya ko…

Sa ngayon, i still feel incomplete… Pero ok lang… Eto ang pinili ko eh… Mahal ko talaga eh.. Dapat handa din akong masaktan ng paulit-ulit…

Martyr ba??? Di naman.. Hahaha… Medyo mahaba ang post ko ngayon, tatlong araw ba naman ang ikwento ko eh… Saka malinaw pa din sa akin ang mga detalye kasi hanggang ngayon di pa rin yan maalis sa isip ko…

Think positive!!!





(Source: beben-eleben)


I Want To Break Free

Medyo matagal din nung huli akong nagpost dito ah.. dami na ang nangyari at hindi nangyari..

First of all I want you to know that we’re getting there.. you know who am I talking about… Di ko lang talaga maiwasang mag-isip ng kung anu-ano kasi nga wala namang commitment.. Ang sabi niya nga merong something samin, yung tipong parang kami na hindi.. At….. muntik nia na din akong sagutin… kaso gusto nia secret daw muna… dun ako biglang napaisip… sabi ko, “you know I’m waiting for that and I’ll be happy if that happen.. pero kung di ka pa naman talaga ready, maghihintay pa din naman ako..” ang sabi nia tinitingnan nia pa nga rin daw ang sarili nia kung ready na talaga siya.. I know I made the right decision..

Nangyari na kasi sakin na ako yung nakipagbreak sa girl dahil sa di kami legal sa kanila, na we’re keeping it a secret samantalang sa side ko, very open ako… ayun, ayaw ko lang maramdaman ung naramdaman ko dati… na para bang I’m not worthy or I’m not a kind of man who she can be proud of.. yung feeling na pag nagkikita kayo, lagi kayong nagbabantay sa paligid kasi baka may makakita sa inyong kakilala niya.. yung feeling na di ka niya maipakilala sa ibang friends niya… yung feeling na di mo siya maisama dahil daw baka may makakita sa amin.. yung feeling na….. SHIT!!!

Alam ko naman na hindi ganyan yung mangyayari ngayon.. first of all, madalas ako sa kanila.. taz we have the same circle of friends.. pero nararamdaman ko talaga na di pa siya ready.. na parang may iniiwasan siyang mangyari.. at alam ko tama ang iniisip ko.. pero kagaya nga ng sinabi ko, maghihintay ako… Pag sinabi ko, ginagawa ko…

Pero kahit ganun pa man, parang kmi din naman eh… we  are dating once in a while, we’re holding hands, we kiss.. parang ganun din.. kaso iba pa din talaga pag officially kayo na talaga… kasi kahit ngayon, di pa din mawala sa isip ko na nagtetake advantage ako… na para tong friends with benefits… i just can’t help to think about it… ang sinasabi ko na lang sa sarili ko, masaya naman ako kaya ok lang.. kaso I’m starting to lose myself once again…

I know na I really love her this time… pero di ko alam.. andami kong doubts… di rin naman ako makapagtanong o makapagsalita since I’m not that kind of person… Kung makakausap ko lang sana si Rachel sa personal, may mapagsasabihan sana ako… sa kabila kasi ng mga post ko, mas malalim pa ang iniisip ko.. at wala akong pinagsasabihang ibang tao… kaya mahirap din.. right now, I’m lost in thoughts…

Marami pa kong gustong sabihin but I don’t know how to put it into words… Kagaya na lang ng feeling ko sa work… Actually di ko talaga siya feel… Parang ang motivation ko lang talaga dito eh yung sahod… wala ung element of enjoyment… nageenjoy nmn ako paminsan minsan pero mas madalas akong nabobored… ewan ko ba… bakit pa kasi ako nag-accountancy…

Isa pa si mama, hayz… Binibigay ko naman sa kanya ang sahod ko, halos wala na ngang natitira para sa sarili ko eh.. hindi pala halos, wala pala talaga.. pero ewan ko ba bakit ganun siya.. oo nga marami silang ginastos sakin simula pa lang nung isilang niya ako hanggang sa ngayon.. kahit na di niya isumbat sakin, ramdam ko naman na parang ganun din.. wala tuloy akong maachieve para sa sarili ko.. ni hindi nga ako makaipon pang board exam ko which is my primary goal kaya ako nagtatrabaho… gusto ko nga maging selfish minsan eh kaso di ko kaya.. sana lang naman may makaintindi sakin.. marami din akong gustong gawin.. i want the REAL FREEDOM…

Si best naman, miss ko na… alam kong nagtatampo pa siya sakin.. kahit na nagtxt siya sakin last week, di naman ako makaisip ng irereply sa kanya…  xana maging gaya ulit kami ng dati…

I want to be happy..

I want to be free..

I want to feel that I am loved..

I want to feel that I’m important..

I want to be proud of myself..

I want to be confident..

I want to enjoy…

I want to be “ME”..


Smile Though Your Heart Is Breaking


D.E.A.R
by: Genius58

Do you still remember,
Every moments that we’re together?
All those talks that we’ve uttered
Right now I wish we have another

Daydreaming as I may always seem,
Every minute your face I’ve always seen
An angel for me you’ve always been
Right from heaven, came down to sin

Dearest for me you really are
Everytime you shine like a star
Always there even though afar
Right beside me I feel feel you are

Dear, this is what you must know
Every minute, every second, I love you so
Always you is where my heart will go
Remember that, I’ll never let you go..


———

i made this poem out of boredom sa office, that is 2 days after my first kiss… di ko kasi talga makalimutan… alam mu ung feeling na para kang lumulutang??? aun un… sana maappreciate nia to.. :)



madami akong iniicp ngaun, madami akong kadramahan.. pero ayaw ko munang ipost, ayoko muna ng bad vibes… smile n lng :)


Just A Kiss

First kiss.

In 20 years of my existence, kahapon lang ako nagkaroon ng first kiss. I don’t know how it happened, medyo nabigla din ako, but I love it sooo much..  I think I’m inlove, and this time I know its for real..

Sabi ko nung una I don’t wanna fall again for a friend, ayun kinain ko din ang mga sinabi ko.. Pero I’m happy with my decision.. Very happy.. :)

Ang sarap ng feeling pag sinabi sa’yo ng tao na naaappreciate niya yung mga efforts mo.. Lalo pag pabulong.. Yung alam mo na sa iyo niya talaga sinasabi ang mga bagay na iyon.. Ang sarap pakinggan ng paulit-ulit..

She is a very special person for me, kapag kailangan niya ako, I always find a way to make myself free.. Lalo na kapag kailangan niya ng kausap.. Kahit na pagod ako galing sa work, kahit na gabing-gabi na, kahit na naglalakad lang ako papunta sa kanila, go pa rin.. Di ko din alam kung bakit… Weird?? Now I know the reason.. I’m falling… Falling so gently..

Yesterday, she asked me If I’m available coz she need someone to talk to, she need some place to go to.. I suggested that we go to the National Shrine of Divine Mercy.. Wen we got there, I tour her sa buong simbahan.. Sabi nniya kasi di pa daw siya nakakapasok sa mga exhibit dun, laging hanggang dun lang siya sa taas.. And the next details, di ko na ikukwento…Hahahaha…

After that we go to our house together with DJB.. Ayun, kwentuhan, kantahan, inuman at kainan..

I really enjoyed that day kahit na wala talaga sa plano ang mga nangyari.. And I will always remember that date, January 23, 2012.. Halos buong araw kaming magkasama.. I love my dear.. <3

Naalala ko tuloy ang sinabi ko nun kay best habang nakasakay ako sa bus, na naiinggit ako dun sa nakaupo sa may harap ko.. Pero ngayon hindi na.. hehe :p

love love love <3


Pangako

Antagal kong hindi nagblog… mejo busy kc nung december. daming activities… pero sulit naman kc dun q naranasan ung “pinakamasayang pasko” ko… ung pagcecelebrate ng christmas kasama ang mga kaibigan ko, ang pagpunta nmin sa laguna, taz ang pagpeperform nmin nung bagong taon.. napakaganda ang naging pagtatapos ng 2011 para sa akin…

pagpasok nmn ng 2012, ok nmn.. meron lng mga disappointment… mahirap kc magexpect sa mga taong drawing… hahaha… di ako bitter, nagsasabi lng ako ng totoo… alam ko kc sa sarili ko n kapag may sinabi ako at ipinangako ko, ginagawa ko.. at kung hindi ko man magawa, bumabawi ako..

Promise — sa panahon ngaun, laspag na cguro ang word na yan.. gasgas na.. madalas n nting naririnig.. pero ano nga b tlga ang kahulugan ng salitang yan?

Ayon kay Dictionary.com, promise is a declaration that something will or will not be done, given; an express assurance on which expectation is to be based; malinaw na malinaw naman diba, ang pangako ay isang salitang pag binibitiwan ay nagbibigay ng ekspektasyon sa pinagsasabihan mo nito dahil ang “pangako” ay hindi isang simpleng salita lamang, kumbaga sa ingles, ito ay action verb, may kilos, ginagawa.

Ganyan din ako magpakahulugan sa salitang yan kaya naman kapag merong nagsabi sakin ng salitang yan, di ko maiwasan na umasa.. umasa sa wala naman pala…

Sabi nila “Promises are made to be broken”, hindi ako naniniwala diyan.. Unang patunay sa lahat ay si God, He promised an everlasting life whoever follows Him, and I think that promise is made to be broken… Ang totoo kasi niyan, nasa taong nagbitaw ng pangako talaga nakasalalay ang salitang yan, kung pano niya gagamitin, at kung paano niya bibigyan ng kahulugan.. Ang hirap kasi sa mga tao ngayon, hindi marunong pumili ng salitang dapat gamitin, kahit hindi naman hinihingi ng pagkakataon na magamit ang salitang ginamit niya.. Ang nangyayari tuloy, nagiging iba ang kahulugan ng mga salitang binibitawan niya para dun sa sinasabihan niya.. Parang yung salitang “I Love You” lang, dati pag sinabihan ka ng ganyan, mararamdaman mong talagang mahal ka ng taong nagsabi sa’yo.. Pero ngayon, pag narinig mo ang salitang “I Love You”, parang normal na salita na lang.. Maiisip mo pa nga minsan parang ang landi nmn ng taong nagsasabi niyan lalo na kung hindi ikaw ang pinagsasabihan.

hindi ako nag-blog ng ganito dahil may galit ako sa mga taong di marunong magpahalaga sa mga pangako nila… Kahit simpleng salita nga lang, kahit hindi pangako, kapag sinabi mo, pangatawanan mo. Gawin mo.

Mag-ingat na lang tayo sa mga taong drawing… Mejo dumadami na kasi sila… Beware: Drawing people ahead.. XD


Pangungulangot = Sex

beben-eleben:

Inusisa ni Totoy ang kanyang tatay.

Totoy: Bakit po masarap ang sex?
Tatay: Kasi, may kiliti o sensation iyon na katulad ng nararamdaman mo
pag nangungulangot ka.

Read More

Via 24/7 Bebenta Sa'yo

MGA RELASYONG “MUNTIK NA”:

ITO YUNG KLASE NG RELASYON NA ONTING-ONTI NA LANG, MAGIGING KAYO NA PERO MAY NAGING SAGABAL, KAYA HINDI NATULOY. ANO-ANO KAYA ANG MGA SAGABAL NA ITO? YUNG NAGMAMAHALAN DAW KAYONG DALAWA, PERO MAY BF/GF DIN SIYA, AT MAS PINILI NIYA PA RIN YUNG ISA YUNG NAGMAMAHALAN KAYONG DALAWA, HINDI NAMAN SANG-AYON ANG MAGULANG, AYAW MO NAMAN MAGTAGO, KAYA MAS PINILI MONG SUNDIN SILA MASYADONG TORPE SI GUY, MAY GUSTO NAMAN SANA SAKANYA SI GIRL UMAYAW ANG ISA SAINYO. IN OTHER WORDS, SUMUKO YUNG AYAW PUMASOK SA ISANG COMMITMENT KASI NATATAKOT O KAYA NAMAN LONG DISTANCE KAYO ANG RELASYONG “MUNTIK NA” AY HINDI KO NIRERECOMMEND SA MGA MAHIHINA ANG LOOB. KASI BAKA MAGPAKAMATAY NA LANG SILA BIGLA KAPAG NABIGO SILA. LELS. NGUNIT ALAM NAMAN NATING WALANG MAKAPAGSASABI KUNG KELAN KA MAKAKAPASOK SA TULAD NITO, DAHIL ANG PAG-IBIG, BASTA-BASTA NA LAMANG SUMUSULPOT. BASTA-BASTA KA NALANG MATATAMAAN NA PARANG LIGAW NA BALA. KAYA MAG-INGAT SA PAG-IBIG. NAKAMAMATAY. *repost lng


15
To Tumblr, Love Metalab
Get Tumblr Layouts